written by Francis Jaudian
Apir tayo utak talangka |
ARE YOU LIKE THIS?
Sometimes referred to as "crabs in the bucket", is a way of thinking best described by the phrase, "If I can't have it, neither can you."
The metaphor refers to a bucket full of crabs where they are pulling each other down if one gets at the top.
Crab Mentality is best to imagine in a workplace where competition unfortunately leads to jealousy.. Watch out!
(Ang Crab Mentality ay mas napapansin sa trabaho kung saan sa kasamaang palad ang kompetisyon ay nauuwi sa selosan.. kaya mag-ingat!)
(rampant nowadays are more notice to work which unfortunately the competition was nauuwi sa selosan.. So be careful!)
Kawawa naman ang mga talangka at nadadamay pa sa ugali nating mga Pinoy. Ang tinatawag na utak talangka o crab mentality ay ang kaisipang kailangan siya ang laging magaling at kung mayroon mang mas magaling pa sa kanya ay kailangan niya itong mapabagsak o masira. Masakit man isipin pero totoo ito. Sino ba naman sa atin ang hindi nakaranas na maitsismis ng ating mga mala reporter na kapitbahay. Magdala ka lang sa bahay ninyo ng mga bagong kaibigan o kaya magtagal kayo ng hanggang gabi ay marami na silang sasabihin kesyo mga adik, kesyo may relasyon na at marami pang iba. Isa pang halimbawa ay kung may isang dating karaniwang tao ang biglang uunlad o mararating ang tagumpay, asahan natin na bukod sa mga pupuri ay nandun din ang sangkatutak na kung anu-ano ang sasabihing hindi maganda sa kanya. Kawawang tao kalimitan ay wala namang kasalanan, mabuti na nga lang naging tao tayo yun nga lng napasama at kinakawawa.
Malimit din ang ganitong tagpo sa mga lugar ng trabaho. Sangkatutak na apakan at siraan ang nangyayari para maiangat lang ang sarili sa kanilang mga employer. Andyan yung mga patimpla-timpla ng kape kuno, yung mga kunwari e subsob sa trabaho pero sa totoo lang eh nagpapaangas lang pala at intrigahin pa ang mga kasamahan sa trabaho. Sa halip na magtulungan at makuntento sa pag-unlad ng mga kasama ay nagngingitngit sa inggit upang maungusan ang iba. Kawawa naman ang ating bayan kung puro tayo ganito. Aba anu pa mararating natin kung magaapakan tayo di ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento