Ang IT subject guro ko ay masaya at minsan naman ay nakakadismaya pero nadadaan nalang sa smile. :-) Masaya dahil mabait ang aming guro at paminsan medyo strikto daw sya dahil kailangan maging strikto nagawa niya ba talaga o hindi niya lang talaga matiis ang klase hehe. Minsan nagbibigay ng inpormasyon ang aming guro na di nman kasama sa kanyang topic at mahalaga nga naman at natototo din naman kami sa mga bagay bagay. Minsan nakakadismaya dahil hugot siya at pinapatulan naman ng ibang kaklase ko at di ako nakakasakay hehe (bitter).
Tungkol naman sa tinuturo ng aming guro, totoo natototo nga kami at marami kaming natotonan lalo na sa mga bagohan sa IT. Napakahalaga ng mga itinuturo ng aming guro lalo nasa panahon ngayon na kung ano-ano ang naglalabasan na mga gadget at mga aplikasyon nito na dapat naming malalaman. At ng dahil sa tinuturo ng aming guro, nalalaman namin ang importansya at kagamitan sa pang araw-araw at sa darating pang mga panahon na kakailanganin namin iyon. Siguro mahirap talaga ang IT subject kaya marami parin mababa ang grado sa amin, siguro yon ng dahil halos sa amin ay mga ngtatrabaho at nahihirapan ng mga memorya ng mga topic na itinuturo. Ngunit mabait naman ang aming at lagi naman kami niyang pinapaalalahanan at minsan sa assignment binibigyan kami ng palugit.
Kaya sa aming guro at sa IT subject walang halong bola totoo marami akong natotonan at tingin ko talaga napakaimportante nito bilang estudyante at sa magiging sa pagtatapos bilang estudyante. Salamat at malaking opputunidad nito sa akin na nasama sa curriculum namin sa Office Administration.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento